Pinoy Apologista

PILOSOPIYA NG PAGNANASA, PALASO NG PILOSOPO


Mukha Lang

Akala’y tumangkilik ng santa

Mukha’t tinig ay anghelita

Presensya’y sintamis ng sampagita

Ngunit mukha lang pala.[1]

Oh, mga anak ni Cain

tulad mo’y matamis na pain

mga anak ni Bathala sa iyo’y nahuhumaling.[2]

Naniwalang ika’y bukas na maunawain,

Inakalang tagapagbantay ng kaluluwa namin.[3]


[1] Genesis 4:1-9

[2] Genesis 6:1

[3] Genesis 4:9, “The true hypocrite is the one who lies with sincerity.” – Andre Gide