Sadyang kaydaling itapon[1] ang bagay na di mo pinaghirapan.
Madaling sumuko ang mga sumali at tumikim lang.
Sa puso nila’y walang komitment at katapatan,[2]
Sa oras ng pagsubok, walang awang mang-iiwan.[3]
Hikbi ng pakiusap di nila pakikinggan,[4]
Walang ‘second chance’[5] sa yelo nilang kalooban.
[1] At hindi isaalang-alang (consideration)
[2] Lalo’t ang mga Kabataan! Isang nakahihiyang konpesyon na masasabi ko ay ito: ‘ako ay naging sobrang tanga! As in sobrang tanga talaga! Sapagkat ako’y nagtiwala sa mga kabataan (teenagers)! At tingin nila, sila ang nasa katuwiran at tagapagtanggol ng katarungan! Ang tanga ko!
[3] Sila ay tinatawag kong ‘Irenayang.’ Iyon ay, mang-iiwan sa ire ng walang munti at butil ng panghihinayang, “after all.”
[4] Kahit may napakatamis kayong pinagsamahan; at binusog mo sila ng libreng kabutihan.
[5] Na-realize ko na ang konsepto ng ‘forgiveness’ sa Biblia at maging sa GMRC ay isa lang batingaw na umaalingawngaw. Walang nakikinig, walang may pakialam, at walang may alam. Hindi purket ikaw ay mahabagin ay mahabagin na rin ang mga taong nasa paligid at mga kaibigan mo. No, no, no!