Ani Seneca, ‘Walang kapantay sa dangal
ang mapagpasalamat na asal.’
Ang pagpapasalamat ay tanda ng pusong mapagpakumbaba
Di nahihiyang umaming kailangan niya ang tulong ng kapwa.[1]
Kung labi’y di umuusal ng ‘Salamat’ sa kapwa[2]
ang Simba mo’y wa-effect sa diwa…
mga ugnaya’y lalamig ng kusa.
[1] Nakuha ko ang concepto sa kwento ng ‘The Forgotten Helper.’ May quote na ganito: “Without gratitude, kindness fades into silence.”
[2] Colosas 3:15, kung titingnan ang immediate context ng katagang “Be thankful” ito’y nasa punto ng community. At sa 2 Timothy 3:2, bahagi ng magiging katangian ng “last days” ay, ang mga tao ay magiging “ungrateful” or “Ingrata.” Ahh… may mga kabataan akong lubos na kilalang ganyan!