Likas sa tao ang sumagot ng GMRC sa Publiko
Ang mukha ng tao’y magaling magpakitang-tao.[1]
Lalo’t sa panahong ito ng makapangyarihang Pribado[2]
‘7 Deadly Sins’ nakadungaw sa screen ng cellphone mo.
Oh! ang buod ng tao’y Concupisensya![3]
Banal manalita, ngunit hari ng gawa’y Pagnanasa.[4]
[1] DeathNote, sinabi ni Light Yagami, Episode 2.
[2] Sa pamamagitan syempre ng Social Media, nasa kwarto ka lang, pero pwedeng live sa ‘public.’
[3] Ayon kay John Calvin, mula sa kanyang “Institutes”
[4] “Reason is, and ought only to be the slave of the passions, and can never pretend to any other office than to serve and obey them.” – David Hume