Pinoy Apologista

May Malay Ako Kaya't Ako Nga


Punyal

‘Peccatum Orihinale’ ay ugat ng pusong salbahe

Narcisistikong ugali mapanlaglag sa ere.[1]

Mapagmalinis na posteng asin sa alat

Pariseong tumingin na gaya ng spoiled brat.[2]

Oh ‘A Kempis’ tama ka! Pamilyaridad ay punyal

ng mga taong sinlamig ng kalawang na bakal.[3]


[1] Matthew 15:19; 2 Timothy 3:2

[2] Luke 18:9-14

[3] Imitatio Christi, Book 1, Ch. 8